The Happy People of Verde Island

Isang kwento ng positibo at masayahing pag-uugali ng mga mamamayan ng Isla.

ISLAND STORIES

7/10/20262 min read

Talo na nga, nakuha pang ngumiti! Ito ang ipinakita ng isang grupo ng mangingisda sa Verde Island, Batangas City.

Sa video na inupload ni Elmar Alulod a.k.a. Kuya Unyut sa Facebook, na may caption na "Kundi mangarera at walang huli kahit isa HAHAHA", ipinakita ang pag-uunahan ng mga mangingisda sa gitna ng dagat, lulan ang kanilang mga maliliit na bangka.

Ang nakakuha sa aking atensyon:

Siya si Kuya Nimrod, na ayon kay Kuya Unyut, ay isa sa mga kasama niyang nangisda isang araw.

Ngunit nabigo umano silang makahuli kahit isa man lamang na isda.

I can only imagine the disappointment dahil ang kanila lamang ipinakita sa video ay ang napakagandang ngiti ni Kuya Nimrod.

Ang ngiting ito ay para bang sinasabing balewala ang pagkadismaya o wala namang magagawa kung magmumukmok.

Kaya't idinaan na lamang sa isang katuwaan para kahit paano;y uuwi silang masaya.

May Mga Panahon Namang Sagana!

Sa isa pang video ni Kuya Unyut, ibinida niya ang balde-baldeng tulingan na kanilang nahuli. Nakakatuwang makita ang simple ngunit napakahalagang tagumpay na ito na isang magandang biyayang natanggap ni Kuya Unyut at ng kanyang mga kasama.

Sa iba pang video ipinakita niya ang isang grupo ng taumbayan na masayang-masayang pinagbabahaginan ang mga isdang nahuli.

Ang story na ito ni Kuya Unyot, Nimrod, at kanilang mga kasama ay nagsisilbing paalala sa ating lahat na sa buhay na ito, hindi palaging panalo.

Totoo na hindi masamang damhin ang kabiguan, ngunit pwede nating piliin pagtuunan ng pansin ang makapagpapasaya sa atin.

Sa ganitong paraan, makakaramdam tayo ng pag-asa...

...na bukas, may panalo na ulit dahil ngayon pa lang ay bumubuhos na ang biyaya -- ang pagiging likas na masayahin. Opo, ito ay isang blessing!

Hindi po ba? Tayong mga mamamayan ng Verde Island ay masayahin? Tunay na Filipino na isa sa pinakamasasayang lahi sa buong mundo!

Kaya't Kung Talo Man Ngayon ay OK LANG!

Share Your Verde Island Stories

Tell us your happy, inspiring, unforgettable Verde Island experience.

Join our Facebook Group and share a post, photo, or video. We will select the best stories and feature them here.

Email us

mimicatud@verdeislandstories.com

+639241035573 (Mimi Catud)

© Verde Island Stories Online 2025. All rights reserved.

Have Questions?

Let's chat on Whatsapp